Ang mga libro ay parte ng buhay ng mga tao, maging sa may akda nito o sa mga mambabasa. Ang mga ito ay maaring itinuturing ng isang idibidwal na bukal ng kaalaman, repleksyon na sumasalamin sa buhay o parte ng interes. Maraming mga rason kung bakit natin itnuturing na kayaman ang mga libro gaya ng ating mga kaibigan.Kung minsan o masasabi nating madalas ay mapili tayo sa mga uri ng librong ninanais basahin dahil sa mga iba’t-ibang kadahilan.
Noong nakraang taon ay may nabasa akong libro na hinding- hindi ko makakalimutan sa aking buhay. Bakit? Marahil ay nakuha ng manunulat ang aking kiliti.
Hayaan niyo akong ikwento sa inyo kung bakit nga ba talgang gusto kong ang libro.
Noong nakaraang taon, sa umpisa pa lang ng klase, ayon sa propessor namin sa Fil 20 na si Prop. Will Ortiz ay kinakailingan namin basahin ang librong "Makinilyang Altar". Hindi niya binagit kung ano ang pakay niya sa pagbibigay ng obligasyon sa amin na basahin ito… ang alam ko ay may kaugnayan ito sa aming pinagaaralan sa panitkan.
Sa totoo lang ay iniisip ko na talaga kung ano nga bang klaseng libro itong " Makinilyang Altar". Sa pamagat pa lang ay misteryoso na ang dating nito; kung gayon ano nga ba ang misteryong bumabalot sa librong ito?
Pumunta ako sa Balay Kalinaw upang makita ang libro. Ang pabalat nito ay tila napaka- artistiko ang dating-isang babae ang nakupo sa may bintana ngunit hindi ko maaninag ang itsura nito. Tiningnan ko ang may akda ng libro at ako ay nabigla. Noong panahong iyon ay nagsasalita ang aking isipan na nagsasabing, "Aba, totoo ba itong nakikita ko?", at ako’y napangiti. Si Luna Sicat- Cleto ang may akda, ang anak ng batikang manunulat na kinahahangaan ko na si Rogelio Sicat.
Kauna-unahan pagkakataon ko lamang mababasa ang isang akda ni Luna Sicat-Cleto. Nang inumpisahan kong basahin ang kaniyang nobela ay namangha ako, kadalasan ay ganito ang aking pangunahing reaksyon kapag nasimulan ko nang basahin ang mga gawa ng mga malilikhaing manunulat. Marahil ako isang baguhan pa lang sa laraganan ng pagusulat kaya ganon na lamang ang aking nararamdaman, ngunit talagang kakaiba ang dating ng librong ito. Pambihira ang kaniyang estilo sa pagsusulat, nailalabas ang tunay na nais na ipakitang senaryo at kalagayan ng sitwasyon. At ang pagtukoy at pagsasalarawan niya sa mga lugar, mga tauhan at ang mga damdamin nito ay malinaw na malinaw.
Tungkol ito sa mag-aamang manunulat. Ipinapakita ang pagkakaiba ng mag-amang manunulat sa kanilang ginagamit na estilo. Dahil sa mga estilong ito ay napabubukod ang mga ito bilang pagkakakilala na mga manunulat. Sa istorya ay nagpapatunay na maaring hindi maging magkadikit ang pangalan ng anak sa kaniynang amang manunulat- nagsasabing magkaiba ang mga ito sa kanilang pagsusulat base estilo at perspektibo.
Sa libro ay nakpaloob ang isang babaeng kakaiba -si Laya. Ano nga bang meron kay Laya? Ang misteryo ay tunay na kakatuwang tuklasin kapag binabasa ko ang librong ito-Ang misteryo sa koneksyon sa buhay ni Laya, ng kaniyang ama na si Leo Dimasupil at ang "makinilayang altar".
Nang matapos ko ang libro, hindi ko matukoy kung sino talaga ang persona na nagsasalita sa loob ng nobela, dahil tila ang daming naglalahad ng kwentong ito. Nang linapitan ko ang aking guro ay tinanong ko kung bakit ganon. Saka lang ako nalinawan na isa pala itong akda na nasa post modernong panunulat.
Siyempre hindi ko maaring ikwento sa inyo ang lahat ng detalye. Ini-rerekomenda ko na lamg sa inyo na basahin ang librong ito.
Ang Makinilyang Altar ay talgang nakaantig ng aking damdamin. Marahil ay nakakaugnay ako sa mga pangyayari sa loob ng istorya. Kaya kung tatanongin ako kung anong masasabi ko sa librong ito- "five stars talaga!"
Ngayon ay maligaya ako, sa darating na semestre si Luna Sicat-Cleto ang isa sa aking iniidolong manunulat na babae ay magiging guro sa isang asignatura sa pagususlat. Sana’y marami akong matutunan sa kaniya at umunlad ang aking pamamaraan ng pagsusulat.