Komiks
Saturday, November 12th, 2005"loka, napakamahal na ng bilihihn ngayon lalo na at ipinatupad na ang e-vat saka ka pa balak mangolekta ng komiks", ito lang ang aking mga nasabi sa aking isipan habang biubuklat ang mga pahina ng The Dreaming ng Vertigo comics. Actually may mga nakulekta na ako noong bata pa ako, kaso nagkadawala, hindi ko na lam kung saan nagsisuot. Naisip ko na total ay nakahanap na ako ng bagong raket, at maaring maging sapat ang una kong kita para makabili ng kahit isang issue. Gusto ko sana yung Sandman, gusto kong makompleto ko yun.
Hilig ko talaga ang komiks, simula sa mumurahin( yung tipo Kengkoy), Darna, Archie Comic Books,Pugad Baboy, Calvin and Hobbes hanggang sa mga anti-heroes. Pinangarap ko na mabuo ako ng comics. Naalala ko yung kaklase kong kinaiiyamutan sa highschool, although kaasar-asar ang taong iyon, eh hangga naman ako sa kaniyang malikhaing kamay. Tila nainggit nga ako nang makabuo siya ng kaniyang comics idepedently, simple ang kaniyang ginawa at pina xerox niya ito, saka ipinamigay sa mga malalapit niyang kaibigan sa classroom namin. Kahit ganoong paraan man lamang sana’y makagawa ako. Gusto kong mapaghalo ang kahit papaano’y kakahyanan ko sa pagsulat at pati na rin sa pagguhit.
Kanina nga lang ay inayos namin ng aking pinsan ang sirang kama ko. At tinangal namin ang isang native na kahon na gawa sa rattan na sumusporta sa naturang kama. Nang mabuklat nang aking malikot na pamangkin ang kahon ay lumapit sa akin at kiulubit ako, "Tita, moo-moo", monster daw. Para sa kaniya ay monster ang isang napakagandang obra ng cover page ng The Dreaming. Actually hind sa akin yung binubuklat kong comic strip, sa anak yun ng may ari ng bahay na inuupahan namin na nasa US. Naaliw lang naman ako sa storya at visuals nito. Naubos nga ang oras ko kakabasa sa mga ito, at kakatitig sa mga sketch.
Kaya nga ipinagdadasal ko na sana ay magboom itong bussiness ko. So, that may pambili na ako mg iba’t-ibang klaseng komiks na pandagdag sana sa koleksyon. Actually lalo akong naging decided na mangaolekta nang malaman ko na ang maker pala ng Aster ay isang Filipino graduate sa Ateneo de Manila.
As from now, I am seeing myself na may malalaki akong bookshelf na punong-puno ng KOMIKS.