Archive for January, 2006

border

Tuesday, January 31st, 2006

lupagpas man ako sa linya’y

tinitiyak ko na hindi ako lapastangan

o mapagsamantalang nilalang,

nais ko lamang ay maramdaman ang

kung ano mangyayari sa aking kaluluwa

sa oras na maiapak ko ang aking mga paa

sa kabilang bahagi.

Pangarap

Sunday, January 29th, 2006

Binagtas ko ang aking mga panaginip

at ang mga ito’y hindi pumipili ng oras para dumapo,

umaga, tanghali, gabi

maging sa aking pag-idlip sa klase habang

sa harapan ko’y propessor na nagngangawa,

ibinibirit na dapat na tayuan ng mga gintong poste ang lipunan,

at punan ng billboard ang siyudad at mas lalo na ang kanayunan-

ang kaniyang ulirang estudyante naglalangoy ang mukha

sa pawis na dumadait sa lamesa.

Sa kadiliman ako’y madalas kumakaripas ng takbo,

hinahagad, ngunit hindi kilala ang taya.

Hanggang makasalubong ko babaeng sexy na may sungay,

kabayong nakakatayo sa kaniyang dalawang paa lamang,

matandang jeprox, kotseng de pedal at kung anu-anong

mga nilalang na hindi ko nakikita sa labas.

Nakapagtatakang sila’y maamo,

na ang gaya ko’y isang hamak na taong madalas mangarap

na tumatakbo. Gusgusin, pawisan ngunit malugod nila akong tinangap.

Kay sarap maging diyos pansamantala. Alak, sayaw, apoy.

Nakakapang-indak na halakhakan.

Habang ako’y namamahinga, inaaliw ng mga bagong kaibigan

ay may dumaping mabigat sa aking balikat,

lumingon ako sa akin likuran at nakita

isang napakagandang lalaking nakaitim, matangkad at natatakluban

ang kaniyang napakagandang mukha ng malago’t mahabang buhok.

Wala siyang sinabi kung hindi:

"Oras na…"

Kinuha niya ang kaniyang maliit na supot sa kaniyang bulsa,

mula doon ay dumakip ng gintong hangin.

Isinaboy niya ito sa aking mukha, animo’y nagpapatuka ng manok.

Masakit na batok, nanigas na ulo.

Piliit iniiangat ang mukha mula,

ngunit natamo ko’y batok, batok mula sa matandang nagdadada,

"Aber, sabihin mo nga sa akin ngayon kung

anong meron positive sa current events ngayon!"

Natahimik ako ng matagal, humikab na malaki

na tila gustong lamunin ng aking bunganga ang propessor sa

akin harapan. Kung sa bagay pasal na pasal ako

mula sa pakikipaghagaran.

"Ang pangarap ay nangagarap mangarap."

Wednesday, January 11th, 2006

It is’nt easy to live between to forces that usually never stops colliding. I am wondering what’s the use of my existence if  I am in different disguises. The matter of having the ideology that I am beleiving in is a very essential thing that which push through for me to live, some of people around me do have same ideology. Of course my mom and my dad in which I adapt in them the true meaning of life, not only as thinking of your materialistic world but also of others’ needs, others’ rights.

But some how it is difficult to adjust when most of the people opposed with these kind of ideas, especially also to the people whom you have also a deep relationship. So, it’s hard for me to neutralize myself, thinking of what I beleive in and also how to manage a good relationship with those who may say that the ideas I rely to are stupid. Emotionally, I can feel a torment of thorns piercing all over my body. I don’t know if it is a punishment, a curse, a mission, a gift….

I am confuse.