Archive for March, 2006

minsan, isang dise nuebe anyos na bata nagpatali sa telebisyon

Thursday, March 2nd, 2006

matatag kang nakikipagtitigan sa telebisyon ng labin tatlong oras. lahat na ay iyong nasaksihan, mula sa balita sa umaga, cartoons,talkshows,malilibog na telenobela hanggang sa balita na naman .

papalit-palit ng mga numero sa itaas ng kanang bahagi nito. habang palipat-lipat din naman ang mga eksenang nang aanyaya. sa sobrang aliw ay nakanganga kang nakatitig dito na kung tutuusin ay wala sa isang dipa ang pagitan ninyo.

naninigas na batok, kumikirot na ulo. hindi pa rin matinag.

humihiyaw ang mga gawain na humihingi ng iyong atensiyon.

masarap magpakasasa sa presinta ng mga iba’-ibang programa. hanggang sa naramdaman mo ang iyong mukha na ay nakadait sa mainit na salamin nito. nakakalulala. hipnotismong naglalaro.

katahimikan.

nilamon ka na pala nito ng buong-buo.

balik sigla ang screen, maingay ang tugtog ng musika.

pumasok ang iyong ina, "Ano bang bata ito, sinasabi ko na huwag iiwan ang tv na nakabukas!", sabay pindot sa malaking buton ng telebisyon.

Thursday, March 2nd, 2006

tumutula ang isipan

ng mga bagay na bumabagabag.

sa blangkong papel ay naghihintay

na isabuhay ang mga ito

ngunit nag-aalangan ang mga naninigas na kamay

na hawakan ang bolpen.

hanggang sa matuyo ang tinta ng bolpen

at manilaw ang papel,

hinahayaan mo pa rin hagkan ka ng takot.

Thursday, March 2nd, 2006

i am now kneeling in the center of the sanctuary, weeping with blood, same as the virgin did when turmoil attacks. tears continually flow, until it drops and reaches the ivory floor. i witnessed how the stain marked and covered all over the place where i kept myself as a useless rug.

my body is searching for rest, until i realized that it’s been a decade since i lay down in the green grass. now my soul is longing for a place that will sustain me with a pacified songs. yet, i still hear the screams of yesterday, where life become fierceful as rusty nails dropped into my naked body one by one.

i am about to write how sorrow gives up. but my hands are not yet ready to hold the pen. can it wait?

mind sets the future, but how about the heart, the bleeding heart?