Pangarap

January 29th, 2006 by bakyacrowd

Binagtas ko ang aking mga panaginip

at ang mga ito’y hindi pumipili ng oras para dumapo,

umaga, tanghali, gabi

maging sa aking pag-idlip sa klase habang

sa harapan ko’y propessor na nagngangawa,

ibinibirit na dapat na tayuan ng mga gintong poste ang lipunan,

at punan ng billboard ang siyudad at mas lalo na ang kanayunan-

ang kaniyang ulirang estudyante naglalangoy ang mukha

sa pawis na dumadait sa lamesa.

Sa kadiliman ako’y madalas kumakaripas ng takbo,

hinahagad, ngunit hindi kilala ang taya.

Hanggang makasalubong ko babaeng sexy na may sungay,

kabayong nakakatayo sa kaniyang dalawang paa lamang,

matandang jeprox, kotseng de pedal at kung anu-anong

mga nilalang na hindi ko nakikita sa labas.

Nakapagtatakang sila’y maamo,

na ang gaya ko’y isang hamak na taong madalas mangarap

na tumatakbo. Gusgusin, pawisan ngunit malugod nila akong tinangap.

Kay sarap maging diyos pansamantala. Alak, sayaw, apoy.

Nakakapang-indak na halakhakan.

Habang ako’y namamahinga, inaaliw ng mga bagong kaibigan

ay may dumaping mabigat sa aking balikat,

lumingon ako sa akin likuran at nakita

isang napakagandang lalaking nakaitim, matangkad at natatakluban

ang kaniyang napakagandang mukha ng malago’t mahabang buhok.

Wala siyang sinabi kung hindi:

"Oras na…"

Kinuha niya ang kaniyang maliit na supot sa kaniyang bulsa,

mula doon ay dumakip ng gintong hangin.

Isinaboy niya ito sa aking mukha, animo’y nagpapatuka ng manok.

Masakit na batok, nanigas na ulo.

Piliit iniiangat ang mukha mula,

ngunit natamo ko’y batok, batok mula sa matandang nagdadada,

"Aber, sabihin mo nga sa akin ngayon kung

anong meron positive sa current events ngayon!"

Natahimik ako ng matagal, humikab na malaki

na tila gustong lamunin ng aking bunganga ang propessor sa

akin harapan. Kung sa bagay pasal na pasal ako

mula sa pakikipaghagaran.

"Ang pangarap ay nangagarap mangarap."

January 11th, 2006 by bakyacrowd

It is’nt easy to live between to forces that usually never stops colliding. I am wondering what’s the use of my existence if  I am in different disguises. The matter of having the ideology that I am beleiving in is a very essential thing that which push through for me to live, some of people around me do have same ideology. Of course my mom and my dad in which I adapt in them the true meaning of life, not only as thinking of your materialistic world but also of others’ needs, others’ rights.

But some how it is difficult to adjust when most of the people opposed with these kind of ideas, especially also to the people whom you have also a deep relationship. So, it’s hard for me to neutralize myself, thinking of what I beleive in and also how to manage a good relationship with those who may say that the ideas I rely to are stupid. Emotionally, I can feel a torment of thorns piercing all over my body. I don’t know if it is a punishment, a curse, a mission, a gift….

I am confuse.

Komiks

November 12th, 2005 by bakyacrowd

"loka, napakamahal na ng bilihihn ngayon lalo na at ipinatupad na ang e-vat saka ka pa balak mangolekta ng komiks", ito lang ang aking mga nasabi sa aking isipan habang biubuklat ang mga pahina ng The Dreaming ng Vertigo comics. Actually may mga nakulekta na ako noong bata pa ako, kaso nagkadawala, hindi ko na lam kung saan nagsisuot. Naisip ko na total ay nakahanap na ako ng bagong raket, at maaring maging sapat ang una kong kita para makabili ng kahit isang issue. Gusto ko sana yung Sandman, gusto kong makompleto ko yun.

Hilig ko talaga ang komiks, simula sa mumurahin( yung tipo Kengkoy), Darna, Archie Comic Books,Pugad Baboy, Calvin and Hobbes hanggang sa mga anti-heroes. Pinangarap ko na mabuo ako ng comics. Naalala ko yung kaklase kong kinaiiyamutan sa highschool, although kaasar-asar ang taong iyon, eh hangga naman ako sa kaniyang malikhaing kamay. Tila nainggit nga ako nang makabuo siya ng kaniyang comics idepedently, simple ang kaniyang ginawa at pina xerox niya ito, saka ipinamigay sa mga malalapit niyang kaibigan sa classroom namin. Kahit ganoong paraan man lamang sana’y makagawa ako. Gusto kong mapaghalo ang kahit papaano’y kakahyanan ko sa pagsulat at pati na rin sa pagguhit.

Kanina nga lang ay inayos namin ng aking pinsan ang sirang kama ko. At tinangal namin ang isang native na kahon na gawa sa rattan na sumusporta sa naturang kama. Nang mabuklat nang aking malikot na pamangkin ang kahon ay lumapit sa akin at kiulubit ako, "Tita, moo-moo", monster daw. Para sa kaniya ay monster ang isang napakagandang obra ng cover page ng The Dreaming. Actually hind sa akin yung binubuklat kong comic strip, sa anak yun ng may ari ng bahay na inuupahan namin na nasa US. Naaliw lang naman ako sa storya at visuals nito. Naubos nga ang oras ko kakabasa sa mga ito, at kakatitig sa mga sketch.

Kaya nga ipinagdadasal ko na sana ay magboom itong bussiness ko. So, that may pambili na ako mg iba’t-ibang klaseng komiks na pandagdag sana sa koleksyon. Actually lalo akong naging decided na mangaolekta nang malaman ko na ang maker pala ng Aster ay isang Filipino graduate sa Ateneo de Manila.

As from now, I am seeing myself na may malalaki akong bookshelf na punong-puno ng KOMIKS.

November 12th, 2005 by bakyacrowd

I’ve been lazy since last sem. I don’t know what to do and I don’t know how to manage myself. I thought that semestral break is fine time for me to reflect and to be able to accomplish all the things that neede so much og my attention, espescially my mini-thesis. But nothing happens, all day long I laid down at the sofa bed from morning till night just only keeping my eyes tired of staring at the television.  Usually I said to my self that I have nothing to do, but actually there all lot of things to finish, there are a lot of task screaming for them to be noticed and to be accomplish. But I tried to be a good girl for a while, helping my mother keeping the old, old clothes of our family, stared a short story in Filipino and somehow tried to paint on a canvass.

Everyday my mother is complaining of how messy I am with my things, how inaccurate I am, and how lazy, too.  Keep on telling me that she understands that these are part of an artist traits, always reminding me that it is unhealthy to keep on doing this. Weird. Actually I always here these word not only from her but from other people. I don’t see my self as a weird person, but I do respect how they see me as the way that they accept my comments and sometimes hurtfull criticisms. But being weird, how come? What’s the matter of watching the telvision  and reading a book at the sofa up-side down and eating meal at my mug wtih all mixed up foods (i am just thinking that as we eat the foods it will all mix up in our stomach), pairing my vintage skirt with a pair of dirty sneakers, being silent at the corner of a room, using oldies clothes, prefer to take a muddy path (and a lot more)?

Anyway, I am also asking myself why am I acting this way? I am too much irresponsible, although side by side are the motivations that are cheering me to push myself up towards success. I just don’t know what my problem is. I ca only do things seriously especially writting whenever turmoil visits me, my environment.  My conscience bothers me too much of the grade that I received in MP 174(pagsulat ng dula), in which I only wrote the play during the day of the submission (and thank God I made it)… but do I deerve that grade. I didn’t even sho up all my ideas which I want to put on the story because of my I’ve been crumming that time. Aside from that, I did’nt made a good quality play. Although I am bothered with that I just think positvely that maybe by chance I have a good idea of my story or I have enough potential to start a play scriptwritting. And I am also sully satisfied with that subject, because learning how to write creatively and having minutes of time chatting with my idol, Luna Sical-Cleto is a great honor. I really enjoy her company. And this sem, it so happened that she will be our professor Pan Pil 162 (Maikling Kwento). I don’t know there’s something magical with her write ups that carried me away, having to the point that my tears will drop till I come to saddest part of her story. Maybe it’s because I can easily relate to her write-ups and I discovered that this incredible artist is a dedicated teacher. So, I am lucky to be one of her student and to have her as teacher twice.

August 8th, 2005 by bakyacrowd

sinong may sabi na ang mga tumataliwas sa kinagisanan ng lipunan ay kasumpa-sumpa?

luma ngunit bagong gamit

June 9th, 2005 by bakyacrowd

Vintage_car_2_1 kaninang umaga ay binuksan ko ang telibisyon. na tyiempo na studio 23-breakfast supersize ang programang palabas. ang aking masamang umaga ay lumiwanag nang makita ang mga sinaunang gamit.

sino nga bang nagsasabing hindi na mapapakinabangan ang mga lumang gamit, o sa popular na tawag na vintage. ang tinatawatg nilang ito ay kadalasan sinasabi nilang jologs dahil wala na sa uso. ngunit hindi doon nagtatapos ang iyong mga salita kung matutunan mong bigyang halaga ang mga ito. ang fashion ay nagbabago at umuunlad, minsan ito ay umuulit dahil na rin sa malikhaing pag–iisip ng mga fashionista na pagsamasamahin ang mga ideyang makabago at luma.

hindi humahantong sa kamatayan ang mga gamit dahil sa nagbabago lang ang panahon.

noong ako ay  nasa hayskul pa ay natutunan kong mahali ang mga lumang gamit na ito. haloghog nga ako sa mga baul ng aking mga lola at ng aking nanay at tiyahin. sa ngayon, pumapasok ako sa eskuwela na gamit ang mga lumang damit ng mga ito.

nang maumpisahan ko naman makahiligan ang mga kotse noong ako ay greyd six ay nangarap ako ng mga magaganda at mamahaling kotse. kadalasan ay nasa aking imahinasyon ang makikisig nitong gulong, ang makintab nitong balat at kinang ng mga ilaw na ito. ngunit maliban dito ay nangarap talaga ako na magkaroon man lamang ng lumang vox wagen o di kaya ay mini cooper, pagkatapos ay pagagandahin ito. marami sa mga mahihilig sa kotse ang ganitong gawain pinaayos ang lumang kotse na nakaldkad na sa dami ng taon…nagpapatunay na hindi talaga nagwawakas ang isang bagay dahil katapusan ng takda nitong panahon.

Vintage_car

eskandalo

June 9th, 2005 by bakyacrowd

sunod-sunod na ang eskandalo sa malacanang. karamihan dito ay kasangkot ang pamilya ng presidente. ang mag-mang arroyo ay kasalukyang ng nasasangkot sa jueteng scandal, samanatala ang ating pangulo ay nadadawit naman sa dayaan noong nakaraang mayo 1 sa eleksyon sa bahaging mindanao.

kanina naman umaga ay nabasa ko sa pahayagan ng philipine inquirer na may nailathala na isang bukas na liham sa pangulo arroyo ukol sa mga hacienda. matindi ang pamagat ng liham na bumabatikos sa pangulo: "you are kiling CARP in your own backyard". ipinapahayag nito na 38 taon na ang  nakakaraan nang pinirmahan ng dating presidente diosdado macapagal ang batas ukol sa land reform code, ngunit bakit ganito? sa ika 17 na taon na anibersaryo ng CARP ang pinangakong lupa ay tila pinagkait.

nilalaman ang mga datos na ang mga malalawak na lupain ay pinagkahait-hatian ng mga pamilya at mga kamag-anak nito. nakakabigla ngunit nakakatakot.

ang mga sumusnod ang nakalathala sa philippine daily inquirer:

hacienda grande- dating pagmamay-ari ni antonio arroyo (tiyuhin ni mike arroyo)

hacienda bacan-mike at iggy arroyo

hacienda aolimbo at manolita- dating pagmamay-ari ni pedro arroyo (tiyuhin din ni mike arroyo)

ipinahayag na pinapatay daw ng presidente ang repormang agraryong lupain ng pamilya niya.

sa gitna ng unos sa ating bansa ay dumating ang mga eskadalo, at kasabay nito ang mababang rating ng pangulo sa pulse asia. ito nga ba ang hudyat na talagang nangangailangan na ng pagbabago ang pilipinas? anong kahihinatnana ng bansa sa mga eskandalong ito? patunay nga ba ang mga ito na ang pamahalaan ay talagang nakikinabang sa kayaman ng mamamayan? makakayanan nga ba ng presidente ang mga ito? ano ang ibig sabihin ng mga sunod-sunod na lumalabas na isyu laban sa pamilya?

eskadalo.

MYSTIFIED CONSOLE

June 3rd, 2005 by bakyacrowd

MYSTIFIED CONSOLE
Karla Maria M. Fabon

I am man born without name,
Without shelter to stay,
Without clothes to wear,
And without space for happiness.

Still I’m aware of who I am.
A big elusion to easily reach
The brightness of every morning
Confess the reality of others nausea

It is I who has they betrayed:
By the meteors flashed down
Then there came the flamboyant,
Of every gargantuan impostor geniuses.

Theres nothing left to me;
Since mendacity grabbed and govern,
The pip of every step towards
Illustrious pinnacle of being manful.

But the dexterity of steel armor
Resists the revolt of the burning souls.
All I know that I am blessed
With tranquility of embalm heroes.

August 6, 2004

Subukang Tuklasin ang Misteryong Bumabalot sa “Makinilyang Altar”

June 3rd, 2005 by bakyacrowd

Makinilyang_altar_1

Ang mga libro ay parte ng buhay ng mga tao, maging sa may akda nito o sa mga mambabasa. Ang mga ito ay maaring itinuturing ng isang idibidwal na bukal ng kaalaman, repleksyon na sumasalamin sa buhay o parte ng interes. Maraming mga rason kung bakit natin itnuturing na kayaman ang mga libro gaya ng ating mga kaibigan.Kung minsan o masasabi nating madalas ay mapili tayo sa mga uri ng librong ninanais basahin dahil sa mga iba’t-ibang kadahilan.

Noong nakraang  taon ay may nabasa akong libro na hinding- hindi ko makakalimutan sa aking buhay. Bakit? Marahil ay nakuha ng manunulat ang aking kiliti.

Hayaan niyo akong ikwento sa inyo kung bakit nga ba talgang gusto kong ang libro.

Noong nakaraang taon, sa umpisa pa lang ng klase, ayon sa propessor namin sa Fil 20 na si Prop. Will Ortiz ay kinakailingan namin basahin ang librong "Makinilyang Altar". Hindi niya binagit kung ano ang pakay niya sa pagbibigay ng obligasyon sa amin na basahin ito… ang alam ko ay may kaugnayan ito sa aming pinagaaralan sa panitkan.

Sa totoo lang ay  iniisip ko na talaga kung ano nga bang klaseng libro itong " Makinilyang Altar". Sa pamagat pa lang ay misteryoso na ang dating nito; kung gayon ano nga ba ang misteryong bumabalot sa librong ito?

Pumunta ako sa Balay Kalinaw upang makita ang libro. Ang pabalat nito ay tila napaka- artistiko ang dating-isang babae ang nakupo sa may bintana ngunit hindi ko maaninag ang itsura nito. Tiningnan ko ang may akda ng libro at ako ay nabigla. Noong panahong iyon ay nagsasalita ang aking isipan na nagsasabing, "Aba, totoo ba itong nakikita ko?", at ako’y napangiti. Si Luna Sicat- Cleto ang may akda, ang anak ng batikang manunulat na kinahahangaan ko na si Rogelio Sicat.

Kauna-unahan pagkakataon ko lamang mababasa ang isang akda ni Luna Sicat-Cleto. Nang inumpisahan kong basahin ang kaniyang nobela ay namangha ako, kadalasan ay ganito ang aking pangunahing reaksyon kapag nasimulan ko nang basahin ang mga gawa ng mga malilikhaing manunulat. Marahil ako isang baguhan pa lang sa laraganan ng pagusulat kaya ganon na lamang ang aking nararamdaman, ngunit talagang kakaiba ang dating ng librong ito. Pambihira ang kaniyang estilo sa pagsusulat, nailalabas ang tunay na nais na ipakitang senaryo at kalagayan ng sitwasyon. At ang pagtukoy at pagsasalarawan niya sa mga lugar, mga tauhan at ang mga damdamin nito ay malinaw na malinaw.

Tungkol ito sa mag-aamang manunulat. Ipinapakita  ang pagkakaiba ng mag-amang manunulat sa kanilang ginagamit na estilo. Dahil sa mga estilong ito ay napabubukod ang mga ito bilang pagkakakilala na mga manunulat. Sa istorya ay nagpapatunay na maaring hindi maging magkadikit ang pangalan ng anak sa kaniynang amang manunulat- nagsasabing magkaiba ang mga ito sa kanilang pagsusulat base estilo at perspektibo.

Sa libro ay nakpaloob ang isang babaeng kakaiba -si Laya. Ano nga bang meron kay Laya? Ang misteryo ay tunay na kakatuwang tuklasin kapag binabasa ko ang librong ito-Ang misteryo sa koneksyon sa buhay ni Laya, ng kaniyang ama na si Leo Dimasupil at ang "makinilayang altar".

Nang matapos ko ang libro, hindi ko matukoy kung sino talaga ang persona  na nagsasalita sa loob ng nobela, dahil tila ang daming naglalahad ng kwentong ito. Nang linapitan ko ang aking guro ay tinanong ko kung bakit ganon.  Saka lang ako nalinawan na isa pala itong akda na nasa post modernong panunulat.

Siyempre hindi ko maaring ikwento sa inyo ang lahat ng detalye. Ini-rerekomenda ko na lamg sa inyo na basahin ang librong ito.

Ang Makinilyang Altar ay talgang nakaantig ng aking damdamin. Marahil ay nakakaugnay ako sa mga pangyayari sa loob ng istorya. Kaya kung tatanongin ako kung anong masasabi ko sa librong ito- "five stars talaga!"

Ngayon ay maligaya ako, sa darating na semestre si Luna Sicat-Cleto ang isa sa aking iniidolong manunulat na babae ay magiging guro sa isang asignatura sa pagususlat. Sana’y marami akong matutunan sa kaniya at umunlad ang aking pamamaraan ng pagsusulat.